Mi Bonita Sayawera!
Tuesday, October 3rd, 2006Wala lang. Gusto ko lang i-share. Marunong ng sumayaw anak ko. Hehe. Biruin mo mas nauna siyang matutong mag-sayaw bago mag-lakad. Aba dancer eto! Career! Hehe. Pano ko nasabi? E kase everytime na tutugtog ung shampoo commercial ni Iya, ung bongga ka day! Mapapansin mo kahit nakatalikod siya alam nya ung tugtog at sasayawan na niya. Ikikilos muna ang balikat at pagkatapos ang baywang at saka sasabayan ng ulo. O diba? Bonga! Hehe! Tawa kami ng tawa ni bong. Basta mga shampoo commercials hindi niya nilalagpasan ng sayaw kung hindi ng palakpak. Matatawa naman siya pag sasabayan naman naming dalawa ni Bong. Ang isa pang nakakatuwa e iyong commercial ng nestea ba un? Ung alua-luwa-leya alua-luwa-ley. Ewan basta ung parang may hawaiian touch! to be continued..