Philippine Idol

Napanood ko Philippine Idol kagabi. Nabilib naman ako sa set ng judges nila. No-non-sense judges. Ryan Cayabyab, Pilita Corales at Francis Magalona. Lahat talagang bigatin at masasabi mong malaki ang kontribusyon sa pinoy musik. Si Ryan parang Simon Cowell ng American Idol. Si Pilita naman si Paula Abdul (although mas matandang version. hehe!). Si Francis naman ang tinapat kay Ryan (writer,producer, rapper etc.) Ok din ung host nila, si Ryan Agoncillo. Kaso pag naiisip ko na current flame niya si Juday..ewan! Pasintabi sa mga Juday fans! Parang feeling ko di sila bagay.
Anyway, back to topic, siyempre di mawawala ang spice at circus part ng show - mga nakakatuwa o nakakairitang kaepalan at kulang sa pansin na mga tao sa Pilipinas para lang makita sila ng kanilang mga hiyang-hiya na na kamag-anak. Oh well, what’s American Idol without them diba? Yan nga ang nagpasikat sa kanila. Si William Hung diba? Pero nakakatuwa din naman talaga. Pero pag over na and as in pinalalayas na sila ng mga judges at hindi pa makatunog. Na kulang na lang e hatakin sila palabas ng studio , e hindi na nakakatuwa iyon no.  Eye sore na sila!
Isa pang napansin ko rin e talagang lahat ng rekados ng tv show na ito e parehong-pareho ng sa American Idol. Gaya ng pag-iinterbyu nila sa mga bawat sasali. Pati experiences ng mga nag-au-audition e parehong-pareho sa Am Idol. Gaya nung isang sumali na andaming dinala na kamag-anak. Mabuti na lang pumasa siya. Pero napanood ko na yan eh! Sana naman may maibigay naman silang kakaiba sa show na to no. Di na nila kailangan manggaya pa dahil Filipinos are unique and original if they want to.

Lesson: Love your own!

2 Responses to “Philippine Idol”

  1. khryssa atheena Says:

    hi mommy! koment ko sa phil idol e wala ata silang sinasabi na parang “You’re going to Hollywood!” dapat meron silang: “You’re going to Novaliches!” kasi nasa novaliches ung channel ABC5 di ba? un lang po. love you!

  2. Nerisa Says:

    Kakatuwa sya panoorin. In fairness, mas unti talaga ang weird na nag-audition kesa sa US. Sabagay, mas unti naman population natin.
    Ok yung may lahing Negro, parang si Luke Mijares. Yung kumanta ng “Shout for Joy”. Kakabilib din yung may hearing impairment. Yung apo ni Dolphy, kahawig ni Vandolph hehe.

Leave a Reply