pang-alis pagod

minsan uuwi ako sa bahay galing work dahil nag-ot (othankyou ako), sasabihin sakin ni bong nakatulog na sa kakaintay ang bebe ko. kadalasan kase kapag mga alas-otso na ng gabi, alam na nya na uwian ko na. aabangan na ko ng bubwit pag-bukas ng pinto , lilingon yan at ititigil kung ano man kinakalikot nya na mga laruan. tapos pag mare-realize nya na si lolo lang pala, babalik ulit sa mga ginagawa nya. finally, pag ako na ang bumungad sa pinto, ngi-ngiti na yan at iiyak sabay mag-papakarga na. talaga namang kung ano man pagod at sakit ng katawan ang nararamdaman ko nun, mapapawi lahat! at magkakaroon ako ng kakaibang lakas para kargahin siya at makipaglaro sa kanya. hehe! iba kase ang feeling talaga. kung minsan pag di ko na talaga makayang kargahin siya dahil bumibigat na. iiyak pa rin yan at sasandal na lang sa dibdib ko. syempre matitiis mo ba naman na ganun? edi siyempre ihehele mo na at saka lang siya makakatulog.

noong minsan naman. mga hapon kagagaling ko sa tulog, pagbaba ko makikita ko silang mag-ama, tahimik na nakasalumpak sa puzzle mat at nagsasalo sa isang magic flakes na chocolate. hehe. ang sarap piktyuran e. akala mo parang silang dalawa lang sa mundo e.

it’s priceless!
there are some things money can’t buy.. for everything else there’s MASTERCARD! hehe!

awwwwwwwwww!

3 Responses to “pang-alis pagod”

  1. Borriz Says:

    shoot na shoot ako dyan, hehehe.

    I’m glad you’re happy threegether, like us!

  2. KitKit Says:

    uy! may audience pala ko! how’s your daughter? ;) hope she’s growing well! :) cheers tayo jan! hehe..

  3. Nerisa Says:

    Awww, kakatuwa naman. You’re really a mom! :) Children are gifts from God, and I’m glad you’re cherishing these moments with her.
    Btw, thanks din sa pag-visit ng blog ko. Sayang nakablock ang friendster blog sa office, sa house ko lang mababasa to.

Leave a Reply